-- Advertisements --

Humakot ng awards sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang “Deleter”.

Sa ginanap awarding ceremony nitong gabi ng Martes sa New Frontier Theater sa Quezon City ay nakakuha ng pitong trophy ang nasabing pelikula.

Kabilang na dito ang Best Picture, Best Director para kay Mikhail Red, Best Actress na si Nadine Lustre ganun din ang Best Cinematography para kay Ian Guevarra.

Pangalawang nakahakot ng awards ay ang romance thriller “Nanahimik Ang Gabi” na mayroong limang awards na kinabibilangan ng 3rd Best Picture, Best Actor sa pamamagitan ni Ian Veneracion at Best Supporting Actor Mon Confiado.

Nagwagi naman ang pelikulang “Mamasapano: Now It Can Be Told” bilang 2nd Best Picture na nakakuha ng tatlong awards kasama ang Best Screenplay para kay Eric Ramos.
Narito ang ilang listahan ng nagwagi ng awards:

3rd Best Picture: Shugo Praico’s ‘Nanahimik Ang Gabi’.

Best Supporting Actress
Dimples Romana, ‘My Father, Myself’

Best Child Performer
Shawn Niño Gabriel, ‘My Father, Myself’

Best Sound
‘Deleter’

Best Musical Score
Greg Rodriguez III, ‘Nanahimik Ang Gabi’

Best Original Theme Song
‘Ang Aking Mahal’ from ‘Mamasapano: Now It Can Be Told’

Best Visual Effects
Gaspar Mangalin, ‘Deleter’

Best Production Design
Mariel Hizon, ‘Nanahimik Ang Gabi’

Best Editing
Nikolas Red, ‘Deleter’

Best Cinematography
Ian Guevarra, ‘Deleter’

Gender Sensitivity Award
‘My Teacher’

Star of the Night
Ian Veneracion at Nadine Lustre

Marichu Vera Perez Maceda Memorial Award
Vilma Santos

Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award
‘Family Matters’

FPJ Memorial Award
‘Mamasapano: Now It Can Be Told’

Best Screenplay
Eric Ramos, ‘Mamasapano: Now It Can Be Told’

Best Float
‘My Father, Myself’

Magugunitang noong 2020 ay naging virtual ceremony ang MMFF dahil sa COVID-19 pandemic habang noong 2021 ay nilimitahan ang aktibidad dahil sa may capacity limit ang mga sinehan ganun din ang float parade at Awards night.