-- Advertisements --
Pansamantalang umalis sa NBA campus sa Orlando si New Orleans Pelicans rookie Zion Williamson para tugunan ang agarang medical na problema sa pamilya.
Ayon kay Pelicans executive vice president of basketball David Griffin, na suportado nila ang desiyon ni Zion na makasama ang pamilya nito.
Hindi na muna sila nagbigay ng ibang detalye bilang respeto na rin sa kanilang rookie player.
Kapag bumalik na ito sa Orlando ay sasailalim muna ito ng 10 araw na quarantine.
Mayroong average na 23.6 points, 6.8 rebounds at 2.2 assists ang 20-anyos na si Williamson.