Kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na peke ang kumakalat na umano’y Arrest Order No. 3.

Sinabi ni Lorenzana na bilang Martial Law Administrator, walang siyang inisyu na Arrest Order No. 3 at kung may mga kopya na kumakalat ay isa itong pekeng dokumento.

Nananawagan ang kalihim sa publiko na huwag na itong ipasa pa at ipakalat lalo na sa social media upang maiwasan ang pagkalito at hindi malagay sa alanganin ang nagpapatuloy na operasyon ng militar sa Marawi laban sa mga teroristang Maute.

Binigyang-diin ng kalihim na kung mayroon man siyang ilalabas na kautusan na may kaugnayan sa Martial Law, kanila itong ide-disseminate ng maayos.

“I call on everyone not to share this fake news to avoid confusion, and not to jeopardize our current operations. Any announcement relating to Martial Law will be disseminated officially,” mensahe ni Lorenzana.