Screenshot 2020 02 21 17 39 19 98

Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng patong-patong na kaso si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam at anak nito dahil sa pagkamatay ni Batuan, Ticao Island, Masbate Vice Mayor Charlie R. Yuson III noong nakaraang taon.

Kasong murder at frustrated murder ang isinampa ng NBI sa Department of Justice (DoJ) dahil pa rin sa pagkamatay ng bise alkalde sa VG Cruz Street sa pagitan ng RM Boulevard at Lardizabal St., Sampaloc, Maynila Oktubre 9, 2019.

Ayon sa NBI-Death Investigation Division (NBI-DID) on Friday afternoon, Feb. 21, inirekomenda nila sa justice department na magsagawa ng preliminary investigation laban kay Cam at anim na iba pang co-respondents.

Kasama dito ang kanyang anak na si Marco Martin Cam; Nelson Cambaya; Junel Gomez; Bradford Solis; Juanito De Luna at Rigor Dela Cruz.

Screenshot 2020 02 21 17 39 49 42

Nakaladkad ang pangalan ni Cam sa isyu dahil nakalaban daw ng anak nito ang mga Yuson sa pulitika sa Batuan noong nakaraang halalan.

-- Advertisement --

Maalalang noong nakaraang taon habang kumakain ang mga biktima sa isang karinderya sa Maynila nang pagbabarilin ito ng mga suspek.

Nasugatan naman sa insidente sina Wilfredo Pineda, 44, at Alberto Alforte, 23.