-- Advertisements --
Sumasailalim na pagsusuri ng Philippine Coast Guard (PCG) ang umanoy underwater drone ng nadiskubre ng mga mangingisda sa Palawan.
Ayon sa PCG na ang 12 talampakan na device ay nadiskubre ng mga mangingisda nitong Setyembre 28 sa karagatan ng Brgy.
Barangonan, Linapacan, Palawan.
Agad na ipinasakamay ng mga mangingisda sa PCG ang narekober na drone.
Base sa inisyal na imbesitgasyon ng PCG na maaaring galing ito sa China dahil sa mga markings na nakasulat doon.
Nakipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang ahensiya para sa nasabing imbestigasyon.