Nagpapatuloy ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2025” upang tiyakin ang kaligtasan ng mga biyahero.
Sa pagitan ng alas-12:00 ng madaling araw hanggang alas-6:00 ng umaga nitong Abril 19, 2025, naitala ang 8,870 pasaherong palabas at 6,963 pasaherong papasok sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
May kabuuang 4,857 tauhan ang na-deploy sa 16 PCG Districts para magsagawa ng inspeksyon sa 103 barko at 38 na motorbanca.
Itinaas ng PCG ang “heightened alert” sa kanilang mga district, stations, at sub-station mula Abril 13 hanggang Abril 20, 2025.
Ang hakbang na ito ay naglalayong tugunan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.
Bukod dito, nananatiling handa ang PCG na magbigay ng tulong at suporta sa publiko.
Sa pamamagitan ng programang ito, pinanatili ng PCG ang ligtas at maayos na paglalakbay ng mga biyahero.