-- Advertisements --

Magdedeploy na ang Philippine Coast Guard ng K9 units sa mga istasyon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) at Light Rail Transit (LRT).

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng publiko habang maiwasan ang napakahabang linya sa mga X-ray scanners sa mga naturang istasyon.

Pagtitiyak ni PCG – Public Affairs Office chief, Commodore Algier Ricafrente, may sapat na bilang ng mga trained cannine ang PCG at maaaring mag-deploy ang mga ahensiya ng akmang bilang ng mga canine batay sa mga requirement na itatakda ng MRT at LRT stations.

Sa kasalukuyan, mayroong 600 trained canine ang PCG sa buong bansa.

Ayon pa kay Ricafrente, mayroong dog breeding program at mga in-house training ang PCG para tumugon sa dagdag na pangangailangan ng mga trained canine.

Hindi rin aniya magbubuluntaryo ang PCG kung sa tingin nila ay hindi nila kayang tugunan ang pangangailangan ng mga train station ng bansa.

Sa inisyal na plano, bomb-sniffing at drug-sniffing dogs ang idedeploy sa mga naturang train station.