-- Advertisements --
Hinikayat ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang gobyerno na simulan ng payagan ang full operations ng mga negosyo.
Ito ay dahil sa maraming mga negosyo ngayon ang nahaharap sa pagsasara dahil coronavirus pandemic.
Kailangan aniya pag-aralan ang naging karanasan ng Vietnam at Taiwan na nagbukas ng kanilang ekonomiya.
Sinabi ni PCCI president Benedicto Yujuico, na kapag pinalawig pa nag lockdowns ay magdudulot ng malaking epekto sa bansa.
Hindi rin sila sang-ayon na mayroon lamang 30 hanggang 50% ang mga papayagan na customer sa bawat negosyo dahil hindi nila mababawi ang puhunan na magdudulot sa pagsasara ng karamihang negosyo.