-- Advertisements --

Hinihiling ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Senado na ibalik ang mga kinaltas na pondo para sa proyekto sa 2026 proposed budget ng ahensya dahil sa mga pagbabawas sa Construction Materials Price Data (CMPD).

Sa isang liham na ipinadala kay Sen. Sherwin Gatchalian, chair ng Senate Finance Committee noong Disyembre 12, 2025, sinabi ni Dizon na nais nilang tiyakin ang tamang aplikasyon ng updated CMPD at ang wastong proseso para sa pag-aayos ng budget ng mga proyekto sa ilalim ng 2026 budget ng DPWH.

Ibinahagi pa ni Dizon na naglabas siya ng department order upang matiyak na ang mga implementing offices ng DPWH—kabilang na ang mga regional at district engineering offices—ay mahigpit na susunod sa updated CMPD.

Batay sa memo ng DPWH kanilang pinapaayos ang lahat ng Pay Items sa Programs of Work gamit ang updated CMPD; Baguhin ang lahat ng Approved Budgets for the Contract; Mag-require ng detalyadong dokumentasyon at quality assurance;at kailangan na Mandatorily na sumunod bago ang procurement.

Ayon pa rito ang mga personnel na hindi susunod sa mga alituntunin ay maaaring sumailalim sa mga administrative cases, kabilang ang reprimand, suspension, at dismissal, depende sa bigat ng paglabag.

Sa kabila ng mga hakbang na ito, kasalukuyang nasa ilalim ng pagsisiyasat ang DPWH dahil sa mga isyu ng anomalya sa mga proyekto sa imprastruktura, partikular na sa mga flood control projects.