-- Advertisements --

Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makumpleto ang pamamahagi ng titulo ng mga lupa sa mga agrarian reform beneficiaries bago ang taong 2028.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos mamahagi ng nasa 3,184 land titles sa mga agrarian reform beneficiaries mula sa Agusan del Sur, probinsiya ng Agusan del Norte, Dinagat Isalnds at Surigao del Sur.

Inihayag ng Pangulo na layunin nitong matapos ang pamamahagi ng lupa na saklaw ng Agrarian Reform Program bago matapos ang kaniyang termino na bahagi ng kaniyang commitment na palayain ang mga magsasaka mula sa gutom, kahirapan at utang.

Ipinagmalaki ng Pangulo ang paglagda nito Republic Act 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act na nagpapalaya sa 600,000 agrarian reform beneficiaries mula sa pagkakautang.

Giit ng Pangulo, tama lamang na suklian ang pagod ng ating mga magsasaka para umayos ang kanilang pamumuhay.

Nasa Agusan del Sur ang Pangulong Ferdinand Marcos ngayong araw upang personal alamin ang sitwasyon ng ating mga kababayan na naapektuhan ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa naranasang shearline o low pressure area.