Hindi na bago para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naging pahayag ni Chinese President Xi Jinping na pinaghahanda nito ang kaniyang sundalo para sa anumang military conflicts sa karagatan partikular sa West Philippine Sea.
Ayon sa Presidente matagal ng ginagawa ito ng China at gumagawa din sila ng sariling 10-dash line na kanilang dinidipensahan.
Sabi ng Punong Ehekutibo sa panig ng Pilipinas magpapatuloy din ito sa pagdepensa sa teritoryo ng bansa lalo at kinikila ng international community na ang nasabing maritime territory ay pag-aari ng Pilipinas.
Bagamat hindi naman direktang sinabi ni Pres. Xi Jinping ito malinaw naman sa kanilang mga aksiyon.
Kaya binigyang-diin ng Pangulo na magpapatuloy ang Pilipinas sa pag proteka sa maritime territory nito sa kabila ng mas agresibong aksiyon ng China Coast Guard sa West Philippine Sea.
Sa biyahe ng Pangulo sa Germany, tinalakay ang isyu sa West Philippine Sea.
Siniguro naman ng Germany ang kanilang suporta sa Pilipinas sa pag protekta sa maritime domain nito.
Dahil dito nangako si German Chancellor Olaf Scholz na palalakasin pa nila ang maritime cooperation sa Pilipinas.