Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos sa lahat ng mananampalatayang Katoliko sa buong bansa at sa buong mundo sa taimtim na pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay, o ang muling pagkabuhay ni Hesukristo tatlong araw pagkatapos ng kanyang kamatayan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus.
Pinaalalahanan din ni Pangulong ang mga mananampalatayang Katoliko na magkaroon ng inspirasyon sa pangako ni Hesukristo na muling bumangon at maghatid ng walang hanggang kaligtasan para sa lahat at hinimok ang lahat na magkaisa sa pagdarasal para sa sama-samang hangarin na bumuo ng isang “Bagong Pilipinas” na nararapat sa lahat.
Sa mensahe ng Pangulo ngayong Easter Sunday, kaniyang binigyang-diin na ang “Linggo ng Pagkabuhay” ay isang paalala sa lahat na ang pananampalataya, debosyon, at sakripisyo, sa sarili, ay karapat-dapat na mga mithiin na nagbubunga din ng malalaking gantimpala dito sa lupa at maging sa kabilang buhay.”
Dagdag pa ng Chief Executive dapat gayahin ng mga mananampalatayang Katoliko ang Panginoong Hesus palaging inaalala ang pangangailangan ng hirap sa buhay, mga may sakit at mga inaapi.
Nanawagan naman ang Pangulo na magkaisa sa pagdarasal para sa patuloy na paggabay ng Poong Maykapal sa sama-samang paghahangad na maitayo ang Bagong Pilipinas.
















