-- Advertisements --

Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang taunang “Balik Sigla, Bigay Saya 2025” gift-giving na ginanap sa Kalayaan Grounds, Malacañang.

Tinatayang nasa 3,000 mga bata mula sa DSWD centers at kalapit na barangay ang naki­pagdiwang.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na ang mga bata ang “pinakamalaking kayamanan ng bansa” at nagbibigay-lakas sa pamahalaan upang harapin ang mga hamon.

“Kami sa gobyerno, kapag nakikita namin kayo, naaalala namin na para sa inyo kami naglilingkod. Kayo ang dahilan ng lahat ng aming ginagawa,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ngayong ika-apat na taon ng programa, muling ginawang mala-amusement park ang Palasyo na may inflatables, laro, circus acts at food stalls para sa mga bata.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng gift-giving sa 56 DSWD Centers at 78 DepEd schools para sa karagdagang 19,000 bata sa buong bansa.
” The biggest treasure that we have here in the Philippines are these, our children, the future of our country,” wika ng Pangulong Marcos.