-- Advertisements --

Proud si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anak na si Presidential son at House Majority leader Sandro Marcos na matapang humarap sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, makikita kung paano pinalaki ni Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos ang kanilang anak na disente at matapang humarap sa komisyon bitbit ang limang kahong ebidensiya.

Nag boluntaryo si Cong. Marcos na humarap sa ICI matapos siyang pangalanan ni dating Congressman Zaldy Co na mayruong P50 billion budget insertion.

Sinabi ni Castro na ang ginawa ng kongresista ay nakaka proud dahil wala itong takot na humarap sa Komisyon.

Nagpasaring din si Castro na hindi umano katulad ng iba si Rep. Marcos na kinikilala ang ICI hindi katulad ng iba.

Nauna rito, tinanggihan ni Rep. Paolo Duterte ang imbitasyon ng ICI at binatikos ang komisyon na ito ay probe body ni PBBM.