Pinuri ni Pang. Ferdinand Marcos Jr, ang Philippine Air Force (PAF) sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili sa territorial integrity at pagbibigay seguridad sa maritime zones ng bansa.
Sa talumpati ng Pangulo, kaniyang sinabi na mahalaga ang ginampanang papel ng PAF para mapanatili ang national interest ng bansa, protektahan ang komunidad at maging ang teritoryo nito.
Siniguro naman ng chief executive ang suporta sa AFP sa kanilang modernization program.
Aminado din ang Pangulo na malaking hamon ang kahaharapin ng PAF dahil sa geopolitical changes kaya nararapat lamang na palakasin pa ang pwersa at katatagan ng organisasyon.
Kinilala din ng Pangulo ang kahalagahan ng maritime patrols ng Phil Air Force sa pag uphold sa territorial integrity at pagbibigay seguridad sa maritime zones ng bansa.
Pinahahalagahan din ng Pangulo ang effort ng PAF sa pagbibigay suporta sa Philippine Army at sa iba pang law enforcement agencies sa internal security operations para masiguro na ligtas ang mga komunidad mula sa ibat ibang banta.