-- Advertisements --

Personal na nagtungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bogo City, Cebu nitong Huwebes para alamin ang sitwasyon ng mga nasalanta ng malakas na lindol at tiyaking mabilis ang pag-abot ng tulong.

Binisita ng Pangulo ang mga lugar na malapit sa epicenter ng 6.9-magnitude na lindol noong Setyembre 30. Isa sa kanyang unang pinuntahan ay ang SM Cares Village sa Barangay Polambato, kung saan gumuho ang ilang pabahay. Nakipag-usap siya sa mga pamilyang apektado upang personal na marinig ang kanilang kalagayan.

Binisita ng Pangulo ang Archdiocesan Shrine at Parish Church ni San Vicente Ferrer sa Barangay Bungtod, na labis na napinsala sa lindol. 

Tumungo rin siya sa City of Bogo Science and Arts Academy sa Barangay Cogon, isang pampublikong paaralan na matindi rin ang tinamong pinsala.

Pinuntahan ng Pangulo ang Cebu Provincial Hospital sa Barangay Taytayan ang mga pasyente. 

Tiniyak ni Pangulong Marcos na makatatanggap agad ng tulong ang mga nangangailangan.

Matapos ang mga inspeksyon, pinangunahan ng Pangulo ang situation briefing sa Bogo City Hall para sa patuloy na koordinasyon ng mga relief operations.