Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na magpapatuloy ito magta trabaho at gagampanan ang kaniyang mga duties and responsibilities sa kabila ng ng kaniyang limang araw na isolation matapos mag positibo sa Covid-19.
Sa pahayag na inilabas Presidential Communications Office (PCO) nag positibo si Pangulong Marcos sa Covid-19 at pinayuhan ng kaniyang doktor na obserbahin ang mandatory five-day isolation period.
Siniguro ng PCO na nananatiling nasa mabuting kondisyon ang kalusugan ng Pangulo.
“The President remains fit to carry out his duties and will be continuing his scheduled meetings via teleconference. Updates on his health will be provided as available,” pahayag ng Pangulo.
Una ng hinimok ni Pangulong Marcos ang lahat na mag-ingat, alagaan ang kalusugan sa pamamagitan ng pagbabakuna at gumamit ng mask lalo na sa matataong lugar.