Nilinaw ni Pang.Ferdinand Marcos Jr na wala silang alitan o hidwaan ni Vice President Sara Duterte.
Ginawa ng Pangulo ang paglilinaw kasunod ng mga alegasyon na ibinabato sa pangulo ng mag-amaang dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang anak na si Mayor Baste.
Sa panayam kay Pang. Marcos kaniyang inihayag na walang nagbabago sa relasyon nila ng vice president.
“Well, it’s exactly the same because she has – of that nature. And, wala naman siyang sinasabi na ganyang klase. So, hindi naman nagbabago,” wika ni Pang.Marcos.
Siniguro naman ng Pangulo na mananatiling kalihim ng Department of Education si VP Sara.
Dagdag pa ni Marcos na nananatiling buo at masigla ang Uniteam.
“I believe so because if you remember ‘Uniteam’ is not just one party of two parties or three parties. It’s the unification of all political, hopefully all political forces in the Philippines to come together for the good country, and that is still there. It is still vibrant. It is still working, and we will continue,” pahayag ng Pang. Marcos.