Kinumpirma ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na makikipagpulong siya kay US Secretary of State Anthony Blinken.
Napaulat ang meeting ng Pangulo kay Blinken at kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Pero sa panayam sa Germany, sinabi ni Pang. Marcos na ang kumpirmado pa lang ay si Blinken.
Sinegundahan ito ni DFA Sec. Enrique Manalo na nagsabing darating si Blinken sa Pilipinas sa Lunes at naka-schedule ang meeting nila ng Pangulo sa Martes.
Ayon kay Manalo, wala pa silang natatanggap na kumpirmasyon mula sa Japan.
Umaasa si Pang. Marcos na magreresulta ang kanilang pulong sa patuloy na pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng Amerika, Japan at Pilipinas.
Ipinahiwatig rin ng Presidente na maaaring pag-usapan nila ang pagsasa-pormal ng ginagawang interoperability at actual joint maritime exercises.