-- Advertisements --

Muling isinulong President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) programs sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.

Sinabi ng pangulo matapos niyang personal na tunguhin ang mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng malakas na lindol sa malaking bahagi ng Luzon noong nakaraang linggo.

Paliwanag ni PBBM, kinakailangang matuto ng mga nakababatang henerasyon ang mga kasanayan sa paghahanda sa sakuna tulad na lamang ng naganap na lindol kamakailan lang.

Aniya, layunin nito na maihanda ang mga sibilyan sa mga disaster response dahil talagang kinakailangan aniya ng bansa ang mas maraming tauhan sa mga disaster zone.

Paglilinaw ng pangulo, hindi lamang national defense ang itinuturo sa ROTC kundi pati na rin sang disaster preparedness at capacity building para sa mga risk-related situations.

Magugunita na una nang inihayag ni Pangulong Marcos Jr. na kasama sa kaniyang priority bills na inilatag sa taumbayan sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA).