-- Advertisements --

Muling inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa harap ng Australian Parliament ang paninindigan ng Pilipinas na depensahan ang soberenya nito partikular sa West Philippine Sea.

Sa naging address o talumpati ng Pang Marcos sa Australian Parliament, binigyang diin nito na Hindi bibigay ang Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea at patuloy aniyang panghahawakan ng bansa kung ano ang itinatakda ng “United Nations Convention on the Law of the Sea” UNCLOS.

Muli ring inihayag ng Chief Executive ang paninindigan nitong hindi siya papayag na kahit Isang pulgada ng teritoryo ng bansa ay mAwala sa Pilipinas.

Kasabay nitoy hinikayat ng Pangulo sa kanyang address ang mga nasa parliyamento na magsama sama sa gitna ng aniyay kasalukuyang estado sa pinag- aagawang teritoryo na umanoy under threat ang Peace and stability.
Binigyang diiin ng Presidente na hindi kakayaning tumayo ng nag- iisang puwersa lamang sa harap ng kailangang gawing pagtutol sa mga kumokontra sa rule of law.

Kaugnay nitoy pinasalamatan Ng Pangulo ang Australia dahil sa aniyay palaging naririyan at kasama Ng Pilipinas sa gitna ng tindig into na may kinalaman sa karapatang nito sa pag- aaring teritoryo.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan sa partnership ng dalawang bansa.

Mahalaga ang papel ng Australia lalo at may Visiting Forces Agreement ang Pilipinas dito.

Malaki din ang kontribusyon ng Australia sa pagpapanatili sa peace and stability sa Asya maging sa Indo Pacific Region.