Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magiging data hub sa Asia Pacific ang Pilipinas.
Ito ay kasunod sa pagbubukas ng Vitro Data Hub sa Sta. Rosa, Laguna ang kauna-unahang AI-ready hyperscale data center sa bansa na pinangunahan mismo ng Punong Ehekutibo.
Ang Vitro Data Hub Center ay isang purpose-built hyperscale facility na may kapasidad na 50 megawatts na magsisilbing warehouse o malaking storage ng mga data at impormasyon.
Sa talumpati ng Pangulo, kaniyang sinabi na ang pagkakaroon ng ganitong facility ay patunay na ang Pilipinas ay handa na sa digitalization.
Makakatulong ang nasabing data center hindi lang para mapalakas ang aspeto ng koneksiyon kundi magbibigay din ng oportunidad para sa mga Pilipino.
Siniguro ng Pangulo magpapatuloy ang administrasyon sa pagsisikap upang mas mapalawak pa ang teknlohiya sa bansa.
Kaugnay into ay hinikayat ng Presidente ang mga dayuhang na dalhin ang kanilang teknolohiya sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na pagpapalakas Ng digital infrastructure ng bansa.
“This launch also reflects our commitment to regional development. We bring the digital progress beyond outside of Metro Manila and into the heart of our provinces. Fully energized. Artificial Intelligence-ready. Built to support hyperscale, cloud, and enterprise workloads, in other words, the Googles, the Amazons, the Facebooks of this world,” pahayag ni Pang. Marcos.