Kumpiyansa si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na naiparating niya ng tama ang tindig ng Pilipinas para sa pagkamit ng kapayapaan, seguridad at kasaganaan sa Indo-Pacific region.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos sa kaniyang pagdating sa bansa mula Melbourne na ang summit ay isang pagkakataon para talakayin ang mga regional at international issues kung saan kaniyang muling inihayag ang posisyon ng Pilipinas lalo na sa isyu sa West Phil Sea na ipagpatuloy ng Pilipinas ang pagdepensa sa teritoryo nito at hindi patitinag sa mga pang-haharass at pambu bully ng China.
Una ng inihayag ng Pangulo na sa isailalim ng kaniyang administrasyon hindi nito papayagan na kahit isang pulgada ng teritoryo ng bansa ay masakop.
Aminado ang Pangulo na hindi niya nagustuhan ang ginawa ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas kaya maghahain muli ng protesta ang Pilipinas laban sa China.
Siniguro din ng Pangulo na ang kaniyang administrasyon ay committed sa mga makabuluhang pakikipag ugnayan sa ASEAN at Australia.
Ipinagmalaki din ng Pangulo na naging mabunga ang kaniyang pulong sa mga Australian business leaders lao na ang pagkuha ng nasa US$1.53 billion or P86 billion investment pledges.
Nangako din ang mga Australian companies na suportahan ang Pilipinas sa renewable energy and digitalization initiatives nito.