-- Advertisements --

Magsisilbing mahalagang plataporma para sa Pilipinas ang 1st Association of Southeast Asian Nations-Gulf Cooperation Council (ASEAN-GCC) Summit upang i-highlight ang pangangailangan para sa kooperasyon sa enerhiya at seguridad sa pagkain, logistik, supply chain, digital transformation, ang libreng daloy ng mga kalakal, tao, at serbisyo, gayundin ang pagpapahusay at proteksyon ng mga karapatan ng mga Filipino OFWs.

Ito ang binigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Pang. Marcos, isusulong din nito ang interes ng Pilipinas sa gitna ng kasalukuyang mga hamon at malalaking Geopolitical development.

Umalis kaninang umaga ang Pangulo patungong Riyadh, Saudi Arabia, upang dumalo sa sa 1st Association of Southeast Asian Nations-Gulf Cooperation Council (ASEAN-GCC) Summit.

Sinabi ng Chief Executive ang unang ASEAN-Gulf Cooperation Council (GCC) Summit ay makakatulong na pahusayin ang seguridad, pang-ekonomiya, at sosyo-kultural na pagtutulungan ng dalawang rehiyon na grupo pagkatapos ng mahigit 30 taon.

Nagbibigay din ito sa Pilipinas ng natatanging pagkakataon na isulong ang mga priyoridad sa ASEAN sa ilalim ng ASEAN-GCC.

Dagdag pa ng Pangulo na sa ilalim ng kaniyang administrasyon kaniyang sisiguraduhin na mabigyang halaga ang national interest at well-being ng mga Filipino.