Isinisulong ni Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang 30 billion pesos na karagdagang pondo para sana sa 2027 budget ng Department of Transportation.
Ayon sa pamunuan, ang additional funding ay ilalaan para sa implementasyon ng critical projects ng ahensya lalo na sa Mindanao Railway Project (MRP). Iminumungkahi naman ng DOTr ang 300.9 billion pesos para sa taong 2027, mas mataas kaysa sa 137.84 billion pesos noong nakaraang taon.
Samantala, sa budget hearing na ginanap ngayong Huwebes, September 3, halos 30 lamang ang aprubado sa 179 na proposed project ng ahensya para sa 2027 budget proposal.
Ang 149 proposed projects na nagkakahalaga ng 387 billion pesos ay hindi mabibigyan ng kaukulang pondo para sa National Expenditure Program na naipasa na ngayon sa kongreso. Ilan sa mga proyekto na hindi mapopondohan ay ang rehabilitasyon ng LRT -2, extension ng LRT-1, EDSA Bus Carousel, at ang ilan pang construction ng several trasnport hubs.















