-- Advertisements --

Naglunsad muli ang Estados Unidos ng serye ng malalakas na airstrikes laban sa Iran bilang tugon sa pag-atake sa tatlong commercial vessels sa Strait of Hormuz.

Ayon sa US Central Command, layunin ng operasyon na magpataw ng mabigat na kaparusahan sa Iran dahil sa pagtutok at pag-atake sa mga sibilyang tripulante sa pandaigdigang daanan ng tubig.

Nasira ang mga tanker sa loob ng 24 oras mula Lunes hanggang Martes, ngunit walang naiulat na nasawi.

Hindi pa inaako ng Iran ang responsibilidad sa mga pag-atake, habang nanindigan ang US na ito ay “lubos na hindi katanggap-tanggap.”

Samantala, binawi rin ng US Treasury ang pansamantalang waiver sa oil sanctions laban sa Iran, na nagdagdag pa sa tensyon.

Mariin ding kinondena ng Qatar at Saudi Arabia ang insidente matapos tamaan ang kani-kanilang mga tanker sa naturang rehiyon.