Dumating na sa Pilipinas ang ikatlong 8-car trainset para sa North-South Commuter Railway, Malolos-Tutuban segment at kasalukuyan pang sumasailalim sa importation process ng Bureau of Customs. Nakatakda naman itong dalhin sa Malanday Depot sa Valenzuela City.
Ayon naman kay Transporation Secretary Banoy Lopez, nananatiling nasusubaybayan ang konstruksyon ng North-South Commuter Railway.
Ayon pa sa Department of Transportation ang dating trainset ay binili mula sa Japan Transport Engineering Company at Sumitomo Corporation na bahagi ng Contract Package 03: Rolling Stock (CP03).
Tinatayang 147-kilometro ang NSCR system na mayroong 35 istasyon at magdudugtong sa Central Luzon, Metro Manila, at Calabarzon.
Halos 800,000 na commuter araw-araw ang inaasahang makikinabang sa NSCR oras na ito ay maging fully operrational na.
Samantala, inaasahang darating naman sa Pilipinas ang isa pang trainset para sa NSCR sa buwan ng Oktubre ngayong taon.
Ayon naman sa ahensya, target na simulan ang partial operations ng North-South Commuter Railway para sa rutang Valenzuela hanggang Malolos, Bulacan sa ika-apat na kwarter ng 2027.
















