Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 24/7 na operasyon ng Bagong Urgent Care and Ambulatory Service .
Nais ng pangulo na makapagbigay ng serbisyo ang naturang center para sa lahat ng mga agarang medical and health care.
Ginawa ni Marcos ang pahayag kasabay ng isinagawang inagurasyon ng Region 1 Medical Center Cancer Institute sa Dagupan City.
Giit ng presidente, walang pinipiling oras at panahon ang sakit kaya’t kailangan na laging handa.
Sa kasalukuyan, aabot na sa tatlong BUCAS centers ang nag ooperate sa rehiyon ng Ilocos.
Kabilang sa mga inaalok na serbisyo ng BUCAS center ay minor surgeries, adult at pediatric immunizations, dental services at iba pa.
Batay sa datos , aabot na sa mahigit 800,000 Filipinos ang nabigyan ng serbisyo ng BUCAS centers lalo na sa mga malalayo at liblib na lugar.