Pinamamadali ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Education ang pagpapatupad ng mga programa para mapataas ang proficiency ng mga mag-aaral.
Ayon kay DepEd Usec. Gina Gonong na hindi naman nagpahayag ng pagka-dismaya ang Pangulo sa pangungulelat ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) subalit nais ng Presidente na maitaas ito.
Sinabi ni Gonong na mas gusto ng Pangulong Marcos na gawin ang mga kailangang gawin sa lalong madaling panahon hindi lang para sa PISA kundi sa kapakanan ng mga estudyante sa pangkalahatan.
Nilinaw naman ni DepEd Usec. Michael Poa na ang resulta ng PISA ay kuha noong Marso hanggang Mayo ng 2022 o bago pa ang administrasyong Marcos.
Ginawa rin anya ang assessment bago ang pagbabalik ng in-person na klase.
Ayon sa DepEd, kumpara sa 2018 result ay may bahagyang improvement sa areas ng Math at Reading sa 2022 PISA.
Paliwanag ni Gonong, nagkaroon kasi ng 7 puntos na pagtaas sa Math habang bumaba ng 1 point sa Science, pero hindi halos nagbago overall dahil nananatili sa low proficiency level ang mga mag-aaral sa Pilipinas.