-- Advertisements --

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi siya kampante pagdating sa tiwala at suporta ng publiko, kaya’t patuloy ang kanyang administrasyon sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sektor upang mapanatili ang kanilang tiwala.

Ayon sa Pangulo, ang pagiging complacent ay delikado para sa isang lider, kaya’t aktibo silang nakikipag-ugnayan sa mga grupong may agam-agam sa administrasyon upang alamin kung paano matutugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Ipinunto rin ng Pangulo na bagamat nananatiling matatag ang suporta ng iba’t ibang sektor sa kanyang pamumuno, hindi ito dahilan upang huminto sa pagtatrabaho.

“Politics is a very variable, very volatile exercise. And so, what I can say is that we are confident that the important sectors of society, the power centers of society and of the administration are very supportive still of the advocacies of the administration, the programs of the administration,” pahayag ng Pangulong Marcos.

Nang tanungin ang Pangulo kaugnay sa panawagan na bawiin ng militar ang suporta sa kaniya, tugon nito “ Still very much on solid ground in terms of support from the different sectors of society.” 

Dagdag pa ng Pangulo, “Whoever has any kind of grievance or have any kind of complaints, and who might be thinking of saying that this is not, we no longer agree with the administration, we always go to them and say, ‘What can we do to accommodate your advocacy?’ Or some of the things that they would like the national government to do. And so that’s what we are doing,” Paliwanag ni Pang. Marcos.