Humingi ng paumanhin si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na hindi natuloy ang pakikipagkita sa mga Pilipino sa United Arab Emirates matapos makansela ang kanyang biyahe sa Dubai.
Sa maikling video message, humingi ng dispensa ang Pangulo sa Filipino Community sa Dubai.
Mayroon anya siyang mga bagay na kailangang agad asikasuhin at isa na dito ang 17 Pilipino na hostage sa Red Sea.
Ayon kay Pang. Marcos, umaasa siyang mauunawaan ng kapwa mga Pilipino na inuna niya ang bagay na ito dahil kailangang tiyakin ang seguridad ng mga kababayan.
Inihayag ng Pangulo na binubuo na ang isang delegasyon para pumunta sa Tehran, Iran at makipag-usap sa mga may hawak sa 17 Filipino seafarers.
Muling tiniyak ng Pangulo na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan para mapalaya at makauwi na ang mga bihag sa lalong madaling panahon.
Nangako naman si PBBM na kukumustahin ang mga Pilipino sa Dubai sa mga susunod niyang opisyal na biyahe.
Home Nation
PBBM, humingi ng paumanhin sa Filipino community sa Dubai sa ‘di natuloy na biyahe
-- Advertisements --