Humingi ng suporta si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Czech Republic upang suportahan ang Pilipinas para sa pagpapatuloy ng negosasyon ng Philippine-EU Free Trade Agreement (FTA), na makakatulong sa higit pang relasyon sa kalakalan ng mga miyembrong bansa.
Sa kanyang talumpati sa Philippines-Czech Business Forum sa Czernin Palace, Ministry of Foreign Affairs, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng Philippine-EU Free Trade Agreement sa pagkamit ng katatagan, paglago ng ekonomiya at sustainable development sa rehiyon.
Sinabi ng Pangulo na siya ay naniniwala na ang pagpapatuloy ng mga negosasyong ito ay isang malaking hakbang sa pagsusulong sa kalakalan, na layong bumuo ng isang matatag na kapaligiran ng negosyo na nagtataguyod ng inklusibo at napapanatili ang paglago at pag-unlad.
Ang negosasyon para sa kasunduan sa kalakalan at pamumuhunan ng PH-EU ay inilunsad noong Disyembre 22, 2015 na sinundan ng ikalawang negosasyon, na naganap noong Pebrero 2017.
Itinigil ang negosasyon nuong July 2023 subalit ang EU at Pilipinas ay nagpahayag ng kanilang intensyon na magsimula ang mga teknikal na talakayan upang ipagpatuloy ang negosasyon.