Dumating na Czech Republic si Pangulong Ferdinand Marcos para sa pagpapatuloy ng halos isang linggong European trip.
Ito ay matapos ang kaniyang tatlong araw na working visit sa Germany.
Alas-5:43 ng hapon sa oras ng Czech Republic o alas-12:40 nang madaling araw oras sa Pilipinas nang lumapag ang PR-001sa Vaclac Havel International Airport sa Prague sakay ang Pangulo at ang Philippine delegation.
Nakatakdang makipagpulong ang Pangulo kay Czech President Petr Pavel at Czech Prime Minister Petr Fiala.
Makikipagkita rin ito kina Czech Senate President MiloŠ VystrČil (VIS-TRI-CHIL) at Speaker of the Chamber Deputies Marketa Perakova.
Inaasahang lalagdaan din ang Joint CommuniquÉ sa labor consultation para sa pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Czech Republic at pagpapaigting ng proteksiyon sa kanilang karapatan.