Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang iniwang legasiya at pagiging patriotism ng kaniyang ama, sa paggunita ng ika-108 birthday ng dating pangulo ngayong araw.
Giit ng Pangulo ito ay ang pamana ng serbisyo at sakripisyo.
Aniya, kung nais maging isang mabuting Pilipino, kailangan maging handa na isakripisyo ang lahat, kabilang ang iyong buhay para sa Pilipino at para sa Pilipinas.
Hindi rin papayagan ni Pangulong Marcos ang sinumang makapangyarihan, sinumang tao, na mang-api o manlalait sa mga Pilipino.
Sa kaniyang talumpati, ipinunto ng Presidente na dapat palaging alalahanin na kailangan gawin ang mga bagay na tama sa kabila ng mga pagsubok.
Inihayag din nito na maraming mga aral na dapat nating panatilihin na iniwan ng kaniyang ama lalo na ang dignidad.
Giit ng Pangulo dapat palaging respetuhin, dignidad ng bawat Pilipino at dapat din lumaban para sa dignidad ng bansa.