-- Advertisements --

Inihayag ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos na ayaw patulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panawagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ihiwalay na ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas.

Ayon kay Sec. Abalos, hindi na napag-usapan sa sectoral meeting kaninang umaga ang isyu ng one Mindanao kung saan, ang naging sentro ng talakayan ay kung paano mapapalakas ang kampanya sa cyber crime.

Muli namang nanindigan si Abalos na isang paglabag sa konstitusyon kung may magtatangkang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Kung sa posibilidad naman aniya ng paghahabla sa dating Punong Ehekutibo kasunod ng mga naging pahayag nito na may kaugnayan sa pagnanais nitong ihiwalay na ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas, bahala na aniya ang DOJ ukol dito.