-- Advertisements --

Bumwelta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa naging pahayag ni dating Pangulo Rodrigo Duterte na siya ay kabilang sa narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa isang ambush interview inihayag ni Pang. Marcos na dahil sa paggamit nito ng Fentanyl na isang uri ng pain killer ay nagkaroon ng matinding epekto sa kaulusugan ng dating Pangulo kaya kung anu-ano na lamang ang lumalabas sa bibig ng dating pangulo.

Hinimok ng Presidente ang mga doktor ng dating Pangulong Duterte na alagaan nila itong mabuti.

Binigyang-diin ng Pangulong Marcos na ang Fentanyl na isa sa pinaka malakas na pain killer ay libhang addictive at mayruong seryosong side effects.

Matagal na rin umano ginagamit ni PRRD ang nasabing gamot.

Ginawa ng Chief executive ang pahayag matapos hingan ng reaksiyon hinggil sa mga alegasyon na ipinukol laban sa kaniya.

Agad naman naglabas ng pahayag ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nilinaw ang alegasyon na nasa narco-list ng ahensiya ang pangulo.

“I think it’s the Fentanyl. Fentanyl is the strongest pain killer that you can buy. It is highly addictive and it has very serious side effects, and PRRD has been taking the drug for a very long time now,” pahayag ng Pangulong Marcos.

Dagdag pa ng Pangulo, “When was the last time he told us that he was taking Fentanyl? Mga five, six years ago, something like that. After five, six years, it has to affect him kaya palagay ko, kaya nagkakaganyan. So, you know, I hope his doctors take better care of him than this – hindi pinababayaan itong mga nagiging problema.”