Bumiyahe na patungong United Kingdom si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para dumalo sa koronasyon ng bagong hari na si King Charles.
Ayon sa Pangulo lalapag ang sinasakyang eroplano nito sa Gatwick Airport upang tingnan din ang kanilang operasyon at best practices nang sa gayon ay mai aplay naman ito sa Pilipinas.
Una ng siniguro ng chief executive na prayoridad ng kaniyang administrasyon ang pag improve sa operasyon ng Manila airport upang matiyak ang kadalian ng paglalakbay at palakasin ang sektor ng turismo ng bansa.
Bukod sa pagdalo sa coronation ng bagong hari ng UK, sinabi Ng Pangulo na makikipagkita din siya kay UK Prime Minister Rishi Sunak para madetermina sa kung anong posibleng pagbabago sa partnership nito sa Pilipinas.
Sa nasabing pulong, bubuksan ni Pang Marcos usapin na may kinalaman sa ekonomiya, trade and investment habang inaasahan na din ng Chief Executive na mapag- uusapan ang pangangailangan ng UK na mga health workers Mula sa ating bansa.
Umaasa ang Pangulo na ang magiging tugon ng UK Prime Minister na lalo pa nilang pagtibayin ang relasyon ng dalawang bansa.
Ang biyahe ng Pangulo sa UK ay tugon sa imbitasyon na ibinigay sa Pangulo ng United Kingdom.















