Kinumpirma ni pangulong ferdinand marcos jr na pupunta siya sa germany sa march 12 ngayong taon.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos mag courtesy call sa kaniya ngayong araw si Foreign Minister ng Germany na si Annaleena Baerbock.
Sinabi ng chief executive na may kung ilang buwan na silang nakikipag ugnayan sa gobyerno ng Germany para ayusin ang pagbisita niya roon at sa wakas ay nakapagtakda na sila ng petsa para rito.
Kumbinsido ang Pangulo na matapos ang pagbisita niya sa Berlin tiyak na magkakaroon ng maraming development sa pakikipag ugnayan nila sa Germany at mapadadalas na rin aniya ang pagbisita sa bansa ng foreign minister.
Sinabi naman ng Foreign Minister ng Germany na may sampung taon na na rin ang nakalipas nang may bumisitang Pangulo ng Pilipinas sa kanilang bansa.
Inaasahan na rin aniya niyang magpapabalik balik siya rito sa pilipinas sa mga susunod na panahon.
















