Inaasahang matatapos na bukas ang pagsasailalim sa lahat ng PBA teams sa RT-PCR tests para makabalik na sa kanilang mga training camps.
Ang COVID swab tests sa mga teams ay bilang preparasyon sa muling pagbubukas ng PBA season sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo.
Sinasabing ang Meralco Bolts ang unang nagsagawa ng swab tests sa mga players dahil sa balakin na pagsasagawa ng 10 araw na bubble training camp na gagawin sa Laoag Ilocos Norte simula sa May 15.
Gayundin ang team ng TNT KaTropa ay gusto rin sa Laoag City.
Una na ring itinakda ang swab tests sa NLEX Road Warriors, Blackwater Bossing at Rain or Shine Elasto Painters.
Ang iba pang teams ay nagpatuloy din ngayong araw at hanggang bukas.
Samantala ang koponan naman ng Blackwater, Phoenix at Alaska ay planong magsagawa ng training sessions sa Batangas City.
Umaasa ngayon ang PBA na sana magdeklara na ang IATF ng general community quarantine o kaya modified GCQ pagkatapos ng May 14.