-- Advertisements --

Ikinalugod ni TINGOG Party-list Rep. Jude Acidre ang malaking dagdag pondo para sa State Universities and Colleges (SUCs) sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act, na may kabuuang P137.9 bilyon para sa 113 SUCs.

Si Acidre ang chairperson ng House Committee on Higher and Technical Education.

Ayon sa Kongresista Ang kasalukuyang budget SUCs ay tumaas ng P9 bilyon,  na mas mataas kaysa sa orihinal na panukala.

Ayon kay Acidre, makatutulong ang dagdag pondo sa pagsasaayos ng kakulangan sa Free Higher Education program kabilang ang pondo para sa mga nakaraang at kasalukuyang school year.

May inilaan ding pondo para sa pagpapatayo at pagkukumpuni ng mga pasilidad, research programs, at dagdag na maintenance at capital outlay.

Binigyang-diin ni Acidre na mahigit dalawang milyong estudyante at libo-libong guro at kawani ang makikinabang sa pondo.

Muling pinagtibay ni Acidre ang suporta ng TINGOG Party-list sa pagpapalakas ng kalidad at akses sa pampublikong edukasyon.