Isinusulong ngayon sa senado sa pangunguna ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada ang panukalang batas na magpapahintulot sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na siyasatin ang mga bank deposits na pinaghihinalaang may kaugnayan sa mga iligal na akatibidad. Kaugnay ng mga nalalantad na katiwalian sa gobyerno.
Sa inihain na Senate Bill No. 1047, nakapaloob ang paglalayong pag-amyenda sa Republic Act No. 1405, o ang Secrecy of Bank Deposits Law, upang pahintulutan ang BSP, sa tulong ngayon hukuman, na siyasatin ang mga kahina-hinalang bank account kung may sapat na ebidensya na panunuhol, pangdaraya, money laundering at iba pang paglabag na may kinalaman sa salapi.
Nakasaad din sa panukala na ang anumang imbestigasyon ay maari lamang isagawa kung may malinaw at sapat na batayan ng seryosong iregularidad at kinakailangan din na aprubado ng Monetary Board ng BSP upang matiyak ang tamang preseso at maiwasan ang pang-aabuso. Habang nakasaad din na ang mga impormasyong makakalap mula sa pagsisiyasat ay dapat gamitin lamang para sa opisyal na layunin, katulad ng pag-iimbestiga sa mga krimeng pinansyal.
Upang mapatanili naman ang proteksiyon sa pribasiya ng mga depositor, naglatag ang panukala ng mahigpit na pananggalang, kabilang ang pagbabawal sa pagsusuri ng mga bank acounts sa panahon ng eleksyon, protektado din ang mga preang naideposito bago pa ipatupad ang batas at ang resulta ng anumang pagsusuri ay hindi maaring basta lamang ibunyag sa publiko, maliban kung kinakailangan para sa pagsasampa ng kasong kriminal.
Habang saklaw din ng panukalang batas ang parehong peso at foreign currency deposits, na layong balansehin ang karapatan ng mamamayan sa pribasiya at ang pangangailangang palakasin ang kampanya laban sa katiwalian at iba pang krimeng pinansyal
















