Nagnegatibo na COVID-19 sa isinagawang antigen test ang manlalaro na naunang nagpositibo sa virus.

Ayon kay PBA Deputy Commissioner Eric Castro, na hinihintay pa ang resulta ng RT-PCR swab test ng manlalaro mula sa Blackwater.

Itinuturing na kahalintulad din ng nangyari sa isang referee na naunang nagpositibo sa COVID-19 at matapos ang antigen test ay nagnegatibo na ito.

Maging ang mga close contact ng referee ay nagnegatibo rin sa COVID-19.