-- Advertisements --
Pinag-iisipan na ng Philippine Basketball Association (PBA) na ituloy ang 2021 Philippine Cup sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “semi-bubble” setup sa Pampanga.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na ito ang ikinokonsidera nilang option.
Malayo ito sa naisagawa nila noong 2020 All-Filipino conference na nakagastos sila ng P70 milyon.
Dagdag pa nito na sasagutin ng bawat koponan ang kanilang mga gastusin sa mga hotel accomodations ng kanilang manlalaro.
Magugunitang noong Agosto 3 ay kinansela ng PBA ang kanilang mga laro dahil sa banta ng COVID-19 at Delta variant kung saan inilagay ng gobyerno ang Metro Manila sa enhanced community quarantine.