paul george russell
Thunder’s ‘deadly duo’ Westbrook and George /@okcthunder

Namemeligrong hindi makalaro sa opening game ang Oklahoma City Thunder (49-33) forward na si Paul George sa araw ng Lunes laban sa Portland Trail Blazers (53-29).

Sinasabing nakakaranas umano ng right shoulder soreness si George ayon kay Thunder coach Billy Donovan.

Napakahalaga nang ginagampanan ni George sa kanilang kampanya sa pagsisimula ng NBA playoffs lalo na at ito ang pangalawa sa liga na may 28.0 points na average kada laro ngayong season.

Nangunguna rin siya sa kanyang koponan na may 2.21 steals bawat game.

Bigatin din siya sa 3-point area na may record na 39 percent.

-- Advertisement --

Itinuturing din siya bilang No. 3 rebounder sa team.

Kung maalala kabilang sa makapigil hininga na papel ni George ay nang maipasok niya ang game-winning 3-pointer sa laro laban sa Houston noong nakarang Martes.

Samantala ang banggaan ng Blazers at Thunder ay sa pagitan ng No. 3 team at No. 6 sa Western Conference.