-- Advertisements --
Bumida sa kanyang double double performance si Paul George gamit ang 20 points at 10 rebounds upang patibayin pa ng Los Angeles Clippers ang kanilang ikatlong puwesto sa Western Conference.
Ito ay makaraang idispatsa ng Clippers ang Charlotte Hornets, 113-90.
Sa ngayon ikaapat na itong talo nang minamalas pa rin na Hornets.
Tumulong din naman sa ika-47 panalo ng Clippers sina Reggie jackson na may 19 points at si Kawhi Leonard na nagdagdag ng 16 points at nine rebounds.
Muli namang pinatunayan ng Clippers na sila ang NBA’s best 3-point shooting team ngayong season nang maipasok ang 21 mula sa 45 mga pagtatangka.
















