-- Advertisements --

Patuloy pa rin umano ang upwelling o ang pagtaas ng hot volcanic liquids sa main crater lake ng Taal Volcano sa Batangas still.

Sa pinakahuling data mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nagbuga pa rin ang bulkan ng 2,100-meter na taas ng plumes.

Sa kanilang latest bulletin, nakapag-generate na rin daw ang Taal Volcano ng 3,945 tonnes ng sulfur dioxide.

Maliban sa hot volcanic liquids, naoobserbahan pa rin ang volcanic smog o vog sa paligid ng bulkan.

-- Advertisement --

Naitala rin ang voluminous plumes na may taas na 2,100 meters at patungo ito sa direksiyong pa-timog at timong-kanluran.

Sinabi pa ng Phivolcs na na mayroong umanong “slight inflation” sa Taal volcano Island (TVI) at Western Taal Caldera habang ang Eastern Taal Caldera ay mayroon namang “deflation.”

FaEnvbqaAAEWrr1

Wala namang naitalang volcanic earthquake o low-level background tremor sa bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Sa ngayon, nananatili pa rin ang Taal Volcano sa Alert Level 1 dahil sa ipinapakita nitong low-level unrest.

Pero sa kabila nito, todo pa rin naman ang paalala ng Phivolcs sa publiko na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island lalo na sa main crater at sa Daang Kastila fissures.

Ipinagbabawal din ang pamamangka sa Taal Lake at ang pagpapalipad ng aircraft malapit sa Taal volcano.