-- Advertisements --

Hindi inaalis ng isang doktor ang posibilidad na ang pagtaas ngayon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa ay dail sa potential transmission na dulot ng Omicron variant.

Ayon kay Dr. Rontgene Solante, chief ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine unit ng San Lazaro Hospital ang kanyang pahayag ay dahil na rin sa naitalang 1,623 na kaso ng COVID-19 ngayon at halos nadoble ang kaso kahapon na nasa 889.

Pero hindi naman nito inaalis ang posibilidad na Delta variant ang sanhi ng tumaas na kaso ng COVID-19 dahil highly transmissible din umano ang naturang variant.

Kapag mayroon daw biglaang pagtaas ng kaso ng covid ay posibeng senyales itong lumalaganap na ang Omicron variant na dalawang beses na mas nakakahawa kaysa sa Delta.

Kung titignan daw ang karanasan ng dalawang bansang mayroong Omicron variant ay tumataas bigla ang kaso sa 24-hour interval.

Muling ipinaalala ni Solante na miyembro rin ng Vaccine Expert Panel na kahit ang mga bakunadong indibidwal ay puwede pa ring mahawa ng nakamamatay na virus.

Una na ring sinabi ni OCTA Research fellow Prof. Guido David na ang pagsipa ng covid cases ay posibleng dahil sa mga gatherings sa holida dahil nadodoble raw ang kaso kada dalawa hanggang sa tatlong linggo.

Sa ngayon, nasa moderate risk ang National Capital Region (NCR) at ang reproduciton number o ang bilis ng hawaan ay nasa 1.47.