-- Advertisements --

Pumalo na sa 45 katao ang nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF) sa Patikul, Sulu.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines, mayroong 42 ang nasawi na mga military personnel na sakay ng eroplano at tatlong sibilyan ang nadamay sa insidente.

Sugatan naman ang 49 na sundalo at mayroong limang iba pa ng kanilang hinahanap.
Nasa ibaba ang mga sibilyan k ung saan apat na iba ang nasugatan.

Mula sa Lumbia Airport sa Cagayan de Oro City ang C130 military aircraft at lalapag na sana ito sa Jolo port sa Sulu ng ito ay bumagsak dakong 11:30 ng umaga ng Linggo.

Sinabi ni AFP chief General Cirilito Sobejana na lumampas sa runway ang eroplano.

Sinubukan aniya nitong bumawi sa paglipad at ito ay bumagsak sa Barangay Bangal, Patikul Sulu.

Pawang mga bagong Philippine Army privates ang lulan ng nasabing eroplano.
May ilang mga sakay aniya ng eroplano ang tumalon na bago ito bumagsak.

Nanawagan ang AFP na tigilan ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa nangyaring pagbagsak ng eroplano.