-- Advertisements --
Umakyat na sa 38 katao ang nasawi sa naganap na pamamaril ng dating pulis sa isang daycare center sa Nong Bua Lamphu province sa Thailand.
Sa nasabing bilang ay 24 dito ay mga bata.
Sugatan naman ang 10 katao kung saan anim dito ay nasa matinding kalagayan.
Kinilala ang suspek na si Panya Khamrab, 34-anyos na dating pulis.
Tinanggal ito sa serbisyo nitong Enero dahil sa paggamit ng iligal na droga.
Matapos ang pamamaril ay umuwi ito at binaril din ang asawa at anak bago tuluyang magpakamatay.
Base imbestigasyon ng mga otoridad, pinasok ng suspek ang paaralan kung saan walang habas itong pinagbabaril ang kinaroroonan ng mga batang natutulog.