japan floods hagibis
Floods in Japan due to typhoon Hagibis (photo from Twitter posts)

Pumalo na sa 55 ang patay sa pananalasa ng bagyong Hagibis sa Japan.

Bukod sa nasabing mga nasawi ay naitala rin nila ang 16 na nawawala pa at 100 ang sugatan.

Karamihan sa mga nasawi ay mga natabunan dahil sa landslides.

Ipinag-utos naman ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa kaniyang mga Cabinet members na tiyakin ang agarang pababalik ng suplay ng kuryente at tubig.

Tiniyak din ito ang agarang tulong sa mga nasalanta ng bagyo.